Ano ang mangyayari sa demand para sa mga tela at iba pang uri ng face mask?

Katanungan Sagot

Katanungan

ano ang mangyayari sa demand para sa mga tela at iba pang uri ng face mask?

Sagot verified answer sagot

Ang pagputok ng isang pandemya noong taong 2020 na hanggang ngayong taong 2021 ay hindi pa rin nasusupil ay nagdulot ng maraming pagbabago sa ating paraan ng pamumuhay.

Dahil ang sakit na kumakalat ay lubos na nakakahawa, pinayuhan tayo ng mga nasa larangan ng medisina na gumamit ng face mask tuwing lalabas.

Kaya naman ang demand sa face mask, mapa-medikal, gawa sa tela, o iba pang mga uri nito, ay naging mataas. Nakitaan natin na maraming mga tao ang naghahanap at bumibili ng mga face masks.

Nagkaroon rin ng ilang linggo o buwan noon kung saan ang suplay ng face masks sa bansa ay hindi naging sapat pero mataas pa rin ang demand.