Ano ang mapapanatili at makakamit kapag may kabutihang panlahat sa lipunan?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang mapapanatili at makakamit kapag may kabutihang panlahat sa lipunan?

Sagot verified answer sagot

Ano ang mapapanatili at makakamit kapag may kabutihang panlahat sa lipunanMapapanatili at makakamit ang kapayapaan at kaunlaran kung may kabutihang panlahat sa lipunan. Ang kapayapaan ang pinakamalaking maibubunga kung ang lahat ng bahagi ng mamamayan ay gagawin ang kanilang bahagi upang maging mabuting bahagi ng lipunan.

Kung ang lahat ng kilos ng mga tao ay tungkol sa pagpapakita ng kabutihan sa kanilang kapuwa, tiyak na ang kalalabasan nito ay tunay na kapayapaan.

Kaunlaran naman ang susunod kung mayroon nang tunay na kapayapaan sa isang lipunan. Ang pagiging mapayapa ang nagbibigay sa mga lider natin nang mas malawak at mas malaking oras at panahon upang tutukan ang kaunlaran dahil hindi na nila kailangang isipin pa ang pagkakaisa ng mga mamamayan.