Katanungan
Ano ang marginal thinking? Salamat sa makakatulong sakin. Ghorl gamer here HAHAHAHA
Sagot 
Kung pag-uusapan ang ekonomiks, ang marginal thinking ay ang ginagamit ng mga tao sa paglikha ng desisyon o pasya sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga benepisyo at kung ano ang positibong makukuha ng gagamit o bibili nito, kompara sa kaniyang magagastos na pera sa pagtangkilik nioto.
Sa madaling sabi, ito ay pagsasaalang-alang ng gastos at sa kung ano ang makukuhang benepisyo ng isang tao o negosyante rito.
Isa sa magandang halimbawa nito ay ang pag-iisip ng kung magkano ang magagastos mo o ang karagdagang halagang kailangan kung mamimili kung saan ka magbabakasiyon. Kasama rin dito ang pagdedesiyon ng kung ano ang benepisyo ng sabon na mas mura o mas mahal sa iyong paglalaba.