Ano ang Martial Law (kahulugan)?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ano ang martial law (kahulugan)?

Sagot verified answer sagot

Noong presidente pa si Ferdinand Marcos ng ating bansang Pilipinas ay isinakatuparan niya ang tinatawag na Martial Law.

Ang martial law ay isang batas militar kung saan binibigyan ng pangulo ng kapangyarihan ang sandatahang lakas o military ng bansa upang mamahala ng lahat ng gawain at aktibidad sa bansa, lalo na kung kapanahunan ng giyera.

Maraming mga mamamayang Pilipino ang sumailalim sa matinding pag-aabuso ng kapangyarihan ng mga militar. Ang pagkakaroon ng kapangyarihan ng mga armadong pwersa ay nagdala ng matinding takot sa mga mamamayan.

Nawalan ng proseso sa hudikatura at hustisya. Idinampot at namatay na lamang ang mga Pilipino, lalo na ang mga wala naman talagang sala.