Ano ang masamang epekto ng social media (5 HALIMBAWA)?

Katanungan

ano ang masamang epekto ng social media (5 HALIMBAWA)?

Sagot verified answer sagot

(1.) Una ay makakain ang iyong oras kung sakali man ikaw ay mayroong importanteng gagawin ngayong araw, hindi mo ito magagawa dahil ikaw ay tutok sa social media.

(2.) Pangalawa ay kung sumosobra ang iyong pag gamit, maaaring lumabo rin ang iyong mata at maapektuhan ang iyong pisikal na kalusugan.

(3.) Pangatlo, pag ikaw ay sumabak sa social media, maaaring mayroon kang makatunggalian at humantong sa hindi magandang diskusyon dahil iba pa rin ang hatid ng online messages.

(4.) Pang apat ay pwedeng ikaw ang maging biktima ng fake news kung sakali.

(5.) Pang lima ay maaaring hindi mo na mabigyang pansin ang tunay na buhay kung lagi kang tutok sa social media, kung saan ang iilan sa iyong kakilala sa totoong buhay ay nababaliwala na.