Ano ang Materyal na Kultura? (KAHULUGAN)

Katanungan

ano ang materyal na kultura?

Sagot verified answer sagot

Ang materyal na kultura ay tumutukoy sa mga bagay o kagamitang nakikita, nahihipo, nahahawakan, at nagagamit ng mga mamamayan sa pang-araw-araw na buhay.

Kabilang sa mga halimbawa nito ang mga kasangkapan na inuukit, hinahasa, kinikinis, at nilililok upag mabuo gaya ng palayok, upuan, kwintas, lamesa at iba.

Ang kasuotan naman ay nabibilang din sa material na kultura na naaangkop sa uri ng klimang nararanasan sa isang lugar gaya ng putong o iniikot na kapirasong tela sa ulo ng kalalakihan, kangan o damit na walang kwelyo at manggas na para sa kalalakihan, bahago o pang-ibabang damit ng mga kalalakihan, at saya o telang iniikot sa baywang ng kababaihan.