Katanungan
ano ang mensahe ng kantang lupang hinirang?
Sagot
Bagamat ang ating pambansang awit na “Lupang Hinirang” ay hango sa isang tulang Espanyol, napakaganda pa rin ng mensahe nito.
Sa “Lupang Hinirang” mararamdaman mo ang pagmamalasakit na mayroon ang mga Pilipino para sa ating bansang Pilipinas. Iniaawit natin ito kung saan ang mga liriko ay nagsasabing handa nating ialay ang ating buhay maprotektahan lamang ang lupang ating sinilangan.
Pinapakita ng ating pambansang awit ang mga katangiang Pilipino: matipuno, walang takot, may paninidigan, at may pagmamahal sa magulang, sa bayan, at sa bansa. Ang “Lupang Hinirang” ay isinulat ni Jose Palma. Si Julian Felipe naman ang nagbigay tugtugin rito upang maging kanta.