Ano ang merkantilismo?

Katanungan Sagot

2

Katanungan

ano ang merkantilismo?

Sagot verified answer sagot

Merkantilismo ang tawag sa konsepto ng ekonomiks na tumutukoy sa basehan ng yaman ng isang bansa. Ang konseptong ito ay nagmula sa kanluraning Eruopa. Ayon dito, ang mga ginto at pilak na pagmamay-ari ng isang bansa ang batayan ng kayamanan nito.

Sa bansang Pranses, pinasimulan ni Jean Baptiste Colbert ang merkantilismo. Naging maunlad naman ang bansa sa pagsunod sa konseptong ito.

Napalakas nito ang proseso ng pangangalakal sa bansa at naging mas makapangyarihan sa pananakop. Ilan pa sa mga bansa sa Europa ang sumunod sa merkantilismo ay ang Portugal, Great Britain, the Netherlands, Russia, at Spain. Kalaunan ay bumagsak din ito dahil pinabulaanan ito ng iilang mga ekonomista.