Ano ang metapora?

Katanungan Sagot

2

Katanungan

ano ang metapora?

Sagot verified answer sagot

Ang metapora o pagwawangis ay ang uri ng tayutay na tiyak na naghahambing sa mga bagay ng walang ginagamit na mga pangatnig.

Ang metapora ay klase ng tayutay o ang sadyang paglayo ng mga gamit ng mga pang-karaniwang salita sa pagpapahayg upang mas gawing matalinhaga at kaakit-akit ang mga salita para mas maging mabisa ito sa mga mambabasa.

Ang metapora o metaphor sa ingles ay may pagkakatulad sa simili sapagkat parehong ginagamit ito sa paghahambing ng mga bagay, ngalan, pangyayari, gawain, at iba pa.

Subalit sa kabilang banda, ang metapora ay naiiba sa simili sapagkat hindi ito nangangailangang gumamit ng mga pangatnig na salita.