Ano ang mga dahilan kung bakit sumusulat ng liham pangnegosyo ang isang indibidwal?

Katanungan Sagot

4

Katanungan

Ano ang mga dahilan kung bakit sumusulat ng liham pangnegosyo ang isang indibidwal?

Sagot verified answer sagot

Para makahanap ng trabaho ang dahilan kung bakit ang isang tao ay gumagawa o sumusulat ng liham pangnegosyo. Ang klase ng liham na ito ay karaniwang ginagawa ng mga taong hindi pa parte ng organisasyon o institusyon.

Ito ay ginagawa upang makapaghanap ng trabaho ang isang tao. Ang klase ng liham na ito ay binubuo ng limang parte o bahagi.

Ito ay ang mga sumusunod: ang pamuhatan o naglalaman ng tirahan ng magpapadala ng sulat, patunguhan o ang address ng iyong padadalhan ng sulat, bating pambungad na karaniwang ginagamitan ng “Mahal na” at ito ay malimit nagtatapos sa tutuldok, katawan o ang bahaging naglalahad ng iyong nais iparating, pamitagang pangwakas o ang pagbati sa dulo bilang tanda ng paggalang at iyong pasasalamat, at ang huli ay lagda o pirma ng taong sumulat.