Ano ang mga katangian ng bawat yugto ng pag unlad ng kultura ng tao?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang mga katangian ng bawat yugto ng pag unlad ng kultura ng tao?

Sagot verified answer sagot

ano ang mga katangian ng bawat yugto ng pag unlad ng kultura ng taoAng mga yugto ng pag-unlad sa kultura ng tao ay ang paleolitiko, mesolitiko, neolitiko, at metal.

Ang panahong paleolitiko ay ang tinatawag ding panahon ng lumang bato kung saan pagala-gala ang mga tao upang maghanap ng pagkain.

Ang panahong mesolitiko naman ay ang panahon ng gitnang bato at sa panahong ito natutong gumamit ng kasangkapang kahoy ang mga tao.

Sa panahon naman ng Neolitiko, nagkaroon na ng permanenteng bahay ang mga tao dahil nag-aalaga na sila ng hayop at halaman para sa kanilang pagkain. Ang panahon naman ng metal ay nadiskubre na ng mga tao ang paggamit ng iba’t ibang kagamitang yari sa metal o bakal.