Ano ang mga katangian ng mapanagutang lider na dapat sundin?

Katanungan

ano ang mga katangian ng mapanagutang lider na dapat sundin?

Sagot verified answer sagot

Ang isang mapanagutang lider, bago siya matawag na ganoon, ay dapat nag-aangkin o nag-tataglay ng mga magagandang katangian. Isa na rito ang pagiging patas para sa kanyang mga miyembro.

Hindi dapat siya magkaroon ng pinapanigan. Siya rin dapat ay maintindihin at mapagpasensya, bagamat siya ang nangangasiwa sa kanyang pangkat.

Dapat ay mayroon rin siyang lakas at katapangan. Maganda rin kung siya ay may kalaaman o matalino. Hindi dapat siya mapagmataas.

Kaya niya dapat umako ng responsibilidad para sa kanyang mga miyembro. Higit sa lahat, dapat siya ay may respeto sa kanyang sarili, sa kanyang mga kapwa, at sa iba pang mga tao.