Ano ang mga katangian ng Micronesia?

Katanungan Sagot

3

Katanungan

ano ang mga katangian ng micronesia?

Sagot verified answer sagot

Matatagpuan ang Micronesia bilang isang maliit na rehiyon sa Oceania. Ito ay binubuo ng mga malilit na isla tulad ng Marshall Islands, Gilbert Islands, Mariana Islands, at marami pang iba.

Tinatayang mahigit isang libong mga maliliit na pulo ang nabibilang sa rehiyong ito. At ang bawat isa sa mga ito ay may kanya-kanyang lokal na estadong namamahala sa kanila.

Sa katunayan, ang iilan ay nasa ilalim ng pamumuno ng Estados Unidos o Amerika. Ang karagatang Pasipiko ang pangunahing anyong tubig na nakapalibot sa mga isla rito. Tampok ang mga islang ito bilang pasyalan lalo na tuwing tag-init, dahil maraming naggagandang mga dagat dito.