Katanungan
ano ang mga layunin ng tekstong impormatibo?
Sagot
Tekstong impormatibo, mula pa lamang sa ngalan ng uri ng tekstong ito, ay naglalayon na maglahad at magpaliwanag ng mga impormasyon para sa mga mambabasa o kung sino pa man.
Minsan ay tinatawag rin ang tekstong impormatibo bilang ekspositori, salin mula sa wikang Ingles na expository.
Kahit anumang bagay sa buoang mundo ay maaaring maging paksa sa isang tekstong impormatibo basta’t ito ay nagbibigay liwanag at impormasyon sa mga tao.
Mahalaga ang tekstong impormatibo o ekspositori sa ating buhay dahil pawing katotohanan lamang ang mababasa natin mula sa mga ito. Halimbawa ng mga tekstong impormatibo ay katulad ng diksyunaryo at diyaryo.