Ano ang mga pangarap na nais matupad ng awiting Dapat Tama?

Katanungan Sagot

Katanungan

ano ang mga pangarap na nais matupad ng awiting dapat tama?

Sagot verified answer sagot

Ang pangarap na nais matupad ng awiting “Dapat Tama​” ay bumoto at piliin ng mga mamamayan ng karapat dapat na opisyal para sa pagbabago ng ekonomiya.

Pinapaalalahanan at hinihikayat ng kantang ito ang bawat Pilipinong botante na piliin at iboto ang kandidatong may mabuting gawain at magandang hangarin sa ating bansa.

Ipinaparating din ng nasabing kanta na siguraduhin na may sapat tayong kaalaman sa mga kandidatong ating ihahalal dahil dito nakasalalay at nakasaalang alang ang kinabukasan ng ating bansa.

Nais ipabatid ng kanta na ating iboto ang kandidato na gagawin at tutuparin ang kanyang sinumpaang tungkulin na hindi uunahin ang pansariling interes.