Ano ang mga suliranin sa komunikasyon at dahilan ng pagkakaroon nito?

Katanungan Sagot

Katanungan

ano ang mga suliranin sa komunikasyon at dahilan ng pagkakaroon nito?

Sagot verified answer sagot

Ano ang mga suliranin sa komunikasyon at dahilan ng pagkakaroon nitoAng ilan sa mga suliranin ng komunikasyon ay ang hindi pakikinig, pagkakaroon ng ibang pananaw, at pagkakaroon ng ibang wika.

Ang komunikasyon ay nagiging suliranin kung hindi nakikinig ang kausap. Ang mabisang komunikasyon ay nagaganap sa dalawang taong nagkakaunawaan. Kung ang isang bahagi ay hindi nais makinig, magkakaroon ng problema sa komunikasyon.

Ang pagkakaroon din ng ibang pananaw o opinyon ay nagbubunsod ng ilang suliraning pangkomunikasyon. Ang mga ganitong uri ng usapan ay nauuwi sa alitan sapagkat hindi nakikinig at hindi na gumagamit ng mabisang daan ng komunikasyon ang mga nag-uusap. Suliranin din kung magkaiba ang wika sapagkat hindi magkakaunawaan ang dalawang nag-uusap.