Katanungan
ano ang mga unang lugar na sakop ng espanya?
Sagot
Ang bansang Espanya ay isa sa mga pangunahing bansa na nagpasimula ng kolonyalismo sa buong daigdig. Nasakop nila ang ating bansang Pilipinas nang mahigit tatlong daang taon.
Ang mga unang lugar sa bansa na sumailalim sa kanilang teritoryo at pamumuno ay ang Maynila, Cebu, at Zambuanga. Sa katunayan, ang kauna-unahang manlalakbay na ipinadala ng Espanya—si Ferdinand Magellan—ay dumaong sa pulo ng Cebu.
Dito nagsimula ang unti-unting pananakop ng bansang Espanya. Nasakop nila ang Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapakalat at paglaganap ng kanilang pananampalataya na Kristiyanismo. Ipinakilala nila ito sa mga katutubong Pilipino at nagsimula ang pagbibinyag sa mga mamamayang Pilipino.