Katanungan
ano ang nagbunsod sa katipunan upang gumamit ng dahas sa paghihimagsik laban sa mga espanyol?
Sagot
Ang nagbunsod sa katipunan upang gumamit ng dahas sa paghihimagsik laban sa mga espanyol ay dahil sa nakita nilang hindi naging matagumpay an gang dalawang naunang samahang gumamit ng mapayapang paraan sa paghingi ng reporma.
Sa ilalim ng pananakop ng mga kastila, sinubukan ng mga mamamayang Pilipino na humingi ng pagbabago at pantay na pagtrato sa pagitan nila at ng mga mananakop.
Ang unang pamamaraang ginamit ay sa pamamagitan ng panulat at papel na naglalayong makamit ang pagbabago sa maayos na pamamaraan.
Subalit, dahil sa hindi ito nagtagumpay, nabuo ang samahang katipunan na kinilalang supremo si Andres Bonifacio upang idaan sa labanan o dahas ang pagkamit ng pagbabago para sa bansa.