Katanungan
ano ang naging bunga ng mga pang aabuso ng mga espanyol sa mga sinaunang pilipino?
Sagot
Ang naging bunga ng mga pang aabuso ng mga Espanyol sa mga sinaunang Pilipino ay pagdurusa at kahirapan.
Ang mga Espanyol ay ang mga mananakop na nagpakilala sa bansa ng paniniwala o pananampalataya sa Kristiyanismo. Sila rin ang tinatayang mga mananakop na umalipin sa bansa sa loob ng maraming taon.
Dahil sa kanilang pang-aabuso partikular na sa pangangamkam ng mga lupaing pagmamay-ari ng mga katutubong Pilipino, ito ay nagdulot ng pagdurua at kahirapan sa mga tao sapagkat nawalan sila ng mga lupain na pangunahing ikinabubuhay noong panahong iyon.
Ito rin ang nagbunsod upang magsagawa ng pag-aalsa ang mga Pilipino laban sa mga Espanyol.