Ano ang naging dahilan ng pamamalagi ng mga tao sa isang permanenteng lugar sa panahon ng neolitiko?

Katanungan

Ano ang naging dahilan ng pamamalagi ng mga tao sa isang permanenteng lugar sa panahon ng neolitiko?

Sagot verified answer sagot

Ano ang naging dahilan ng pamamalagi ng mga tao sa isang permanenteng lugar sa panahon ng neolitikoAng naging dahilan ng pamamalagi ng mga tao sa isang permanenteng lugar sa panahon ng Neolitiko ay ang kakayahan nilang magtanim, mag-alaga ng hayop, at gumawa ng kanilang sariling tahanan.

Noon, palipat-lipat ng tirahan ang mga sinaunang tao dahil sa kagustuhan nilang makahanap ng pagkain. Kung saan maraming mapagkukuhanan ng pagkain ay naroon sila.

Nang malaman nila ang konsepto ng agrikultura o pagtatanim ng halaman at hayop, hindi na nila kailangang humanap pa ng pagkain sa kung saan-saang lugar.

Dahil din dito, natutuhan nilang gumawa ng kanilang bahay sa mga permanenteng lugar na kanilang kinaroroonan gamit ang mga bato at mga kasangkapang bato.