Katanungan
ano ang naging epekto ng kolonyalisasyon sa mga rehiyon ng asya?
Sagot
ang naging epekto ng kolonyalisasyon sa mga rehiyon ng Asya ay naging masidhi ang pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo ng mga Asyano upang ibangon ang kaunlaran ng bansa.
Ang kolonyalisasyon o ang pananakop ng isang bansa upang gawing kolonya ay naging talamak sa kasaysayan sapagkat ang mga bansang nagnanais na magkaroon ng kapangyarihan ay isinakatuparan sa pamamagitan ng pananakop dahil ang kapangyarihang taglay ng isang bansa ay makikita at makakamtam lamang sa lawak ng lupaing sakop nito gayundin ang mga gintong pagmamay-ari nito.
Kung kaya naman, sa pagsiklab nito napataas din ang nasyonalismo sa iba’t ibang bansa sa Asya upang ipagtanggol ang kani-kanyang mga karapatan at makamtam ang pag-unlad.