Ano ang naging epekto ng pagkakatatag at paglaganap ng Katipunan sa mga Pilipino?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang naging epekto ng pagkakatatag at paglaganap ng Katipunan sa mga Pilipino?

Sagot verified answer sagot

Ano ang naging epekto ng pagkakatatag at paglaganap ng Katipunan sa mga PilipinoAng pinakamalaking epekto ng pagkakatatag at paglaganap ng Katipunan sa mga Pilipino ay ang pagkakaroon nila ng lakas ng loob upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan at kalayaan laban sa mga mananakop na Kastila.

Ang mga Katipunero ang nagpalakas ng loob ng mga ordinaryong mamamayan upang magkaroon ng pagkilos at mapagtanto na kahit hindi sila kasing kapangyarihan ng mga Kastila ay kaya nilang magkaroon ng puwersang lalaban sa mga ito.

Napagtanto rin nila na mahalaga ang pagkilos nang may pagkakaisa upang gibain ang malaking pader ng mga Kastila nang sa gayon ay muling mabawi ng mga Pilipino ang teritoryong pinagharian ng ibang lahi sa loob ng mahabang panahon.