Ano ang naging propesiya ng manghuhula kay Sundiata?

Katanungan

ano ang naging propesiya ng manghuhula kay sundiata?

Sagot verified answer sagot

Ang naging propesiya ng manghuhula kay Sundiata ay siya ay magiging isang magaling na pinuno, isang tapat sa bayan, at matapang na mandirigma bagamat mabait.

Si Sundiata ay ang pangunahing tauhan sa Epiko ng Sinaunang Mali. Siya ay ang anak nina haring Nare Maghaan Konate at isang kubang babae.

Ayon sa propsesiya, bagamat hindi kagandahan ang anyo niya, siya ay magiging isang mahusay o magaling na mandirigma, pinuno, at isang tapat sa kanyang bayan.

Nang pumanaw ang hari, nakaranasa ng pang-aapi si Sundiata at ang kanyang ina mula sa reyna kung kaya’t nilisan nila ang kaharian bitbit ang tungkod na kanilang natuklasan.