Ano ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa pamamahala ng mga prayle?

Katanungan

ano ang naging reaksyon ng mga pilipino sa pamamahala ng mga prayle?

Sagot verified answer sagot

Dahil ipinakilala ng mga Kastila ang kanilang relihiyong Kristiyanismo sa ating bansang Pilipinas, nabigyan ng pagkakataon ang mga prayle na mangasiswa o mamahala sa mga pamayang Pilipino.

Ang mga prayle ang tawag sa mga mataas na posisyon sa simbahan. Sa pamamahala ng mga prayle ay naging sunud-sunuran lamang ang mga mamamayang Pilipino sa utos ng mga Espanyol.

Ang kalayaan na noon ay tinatamasa ng ating mga ninuno ay biglang nawala. At sa kabila ng lahat ng iyon, naging abusado rin ang mga Espanyol sa mga Pilipino. Maraming mga prayle ang nagpapataw ng parusa kahit wala namang ebidensya nang kasamaan mula sa Pilipino.