Katanungan
Ano ang naidudulot sa sarili, sa kapwa at sa lipunan ng pag-aalay ng sarili para sa iba?
Sagot
Ang pag-aalay ng sarili para sa iba ay isang magandang katangian na dapat ay lahat ng tao sa buong mundo ay magkaroon.
Sa wiakng Ingles, ito ay tinatawag na selfless. Ang pagkakaroon nang ganitong pag-uugali ay tiyak na makakatulong sa sarili, sa kapwa, at sa lipunang ginagalawan ng isang tao.
Kung ang bawat isa ay marunong mag-alay ng sarili para sa iba ay magkakaroon ng pagkakaisa at pagtutulungan. Ang mga tao ay magkakaunawaan.
Magiging mas maigting ang samahan at uunlad ang pamumuhay. Ngunit tatandaan pa rin na may hangganan lamang ang pag-aalay ng sarili upang hindi maabuso ang iyong pagkatao.