Ano ang nais makamit ni pangulong Rousseff sa panahon ng kanyang pamumuno?

Katanungan Sagot

21

Katanungan

ano ang nais makamit ni pangulong rousseff sa panahon ng kanyang pamumuno?

Sagot verified answer sagot

Ang nais makamit ni pangulong Rouseff na pangulo ng bansang Brazil ay makapagbigay ng oportunidad sa kanyang nasasakupan upang wala ng mamamayan ng Brazil ang makitang naninirahan sa lansangan, batang inaabandona, at matiyak na bawat pamilya ay hindi na makararanas ng gutom.

Sa isang talumpating inihayag ng pangulo ng Brazil, inilahad niya ang mga bagay na nais niyang bigyan ng pansin sa kanyang pamumuno.

Tulad ng mga maraming bansa sa iba’t ibang panig ng mundo ang sinisikap na matuldukan ang kahirapan sa kanilang bansa kung kaya naman ito ang prayoridad ng pangulo.

Pinaniniwalaan niya na ang kaayusan at kapayapaan ay makakamit kung ang pangangailangan ng pamilya ay matutugunan.