Ano ang nakapaloob sa salitang kolonyalismo?

Katanungan Sagot

Katanungan

ano ang nakapaloob sa salitang kolonyalismo?

Sagot verified answer sagot

Pananakop ang salitang nakapaloob sa kolonyalismo. Ang kolonyalismo ay ang tuwirang pagsakop ng ibang mas makapangyarihan o mayamang bansa sa iba pang mga bansa upang makamkam at mapagsamantalahan ang mga yaman na mayroon ang bansang kanilang sasakupin.

Isama pa sa layunin nito na matugunan ng mga likas na yaman ng nasakop na bansa ang mga pangangailangan ng mga mananakop.

Ang isang bansang naging kolonya ng mas makapangyarihang bansa ay maaaring gawing pangkalakal na base o di naman kaya ay basing pangmilitar na kung saan ang kita o salaping malilikom ay mapupunta sa may kolonya nito. Sa basing military naman, mas napalalawak ng bansa ang kanilang lakas pandigma.