Ano ang nangyari kay haring Fernando?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ano ang nangyari kay haring fernando?

Sagot verified answer sagot

Isa sa mga pinakatanyag na Pilipinong panitikan ang koridong pinamagatang Ibong Adarna. Ito ay lathalain ni Jose dela Cruz.

Sa Ibong Adarna ay may isang tauhan na si Haring Fernando. Inilalarawan sa akda si Haring Fernando bilang isang napakabuting pinuno.

Ang Berbanya, teritoryo na kanyang pinaghaharian, ay maunlad at masagana dahil sa kanyang pangangasiwa. Siya ay may tatlong anak at isang gabi ay napanaginipan niya na isa sa kanyang mga anak ay napatay ng mga traydor sa kaharian.

Nangamba siya nang husto dahil sa panaginip na naging dahilan kaya siya ay nagkasakit. Wala ni isa sa mga manggagamot sa kaharian ang makalutas sa kanyang kondisyon, maliban na lamang sa sinabi ng isa na kailangan niya ang ibong adarna.