Ano ang nangyari noong Agosto 19 1896?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang nangyari noong Agosto 19 1896?

Sagot verified answer sagot

Ano ang nangyari noong Agosto 19 1896Ang mahalagang pangyayari sa kasaysayan noong Agosto 19, 1896 ay ang pagkakabisto ng Katipunan o lihim na samahan ng mga Katipunero (KKK).

Nabisto ang samahan dahil kay Teodoro Patiño sa pamamagitan ng paring Augustinian na si Fr. Mariano Gil.

Dahil sa pagkakabuko ng kanilang samahan, idineklara ng Supremo o pinuno ng KKK o Katipunan na si Andres Bonifacio ang isang himagsikan sa pamamagitan ng pagpunit ng kanilang sedula.

Umabot sa halos isang libong kasapi ng Katipunan ang dumalo sa nasabing pagpunit ng kanilang sedula. Pumutok ang paghihimagsik sa iba’t ibang lugar at petsa na isinagawa ng mga kasapi ng KKK mula sa iba’t ibang lugar.