Ano ang nangyari sa Sulu noong 1380?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang nangyari sa sulu noong 1380?

Sagot verified answer sagot

Noong 1380 naidala ang relihiyong islam sa Pilipinas ng mga Arabong mangangalakal. Nang marating ng mga mangangalakal na Arabo mula sa mga bansang Malaysia at Indonesia ang Sulu ay siya ring pagdating ng Islam sa Pilipinas.

Ang Islam ay mula sa salitang Arabic na “salam” na nangangahulugang kapayapaan. Ito ay isang relihiyon o pananampalataya ay hango sa monoteismo o ang paniniwalang may iisang diyos lamang.

Ang Islam ay itinuturing na pangalawa sa pinakamalaking relihiyon sa mundo. At ang kinikilala nilang diyos ay si Allah.

Pinaniniwalaang ang Arabong nagngangalang Karimul Makhdum o Sharif Awliya ang unang nagtatag ng moske, ang tawag sa bahay dalanginan ng mga Muslim, sa Pilipinas.