Ano ang nararamdaman mo pagkatapos mong magpasya?

Katanungan

ano ang nararamdaman mo pagkatapos mong magpasya?

Sagot verified answer sagot

Nararamdaman ko ang pagkakaroon ng kumpyansa at tiwala sa aking sarili dahil alam ko na pinaghandaan ko itong mabuti.

Bago magpasya ay maaaring hindi muna ako masyadong handa ngunit minsan naniniwala ako sa kasabihang “kapasyahan bago kahandaan” dahil lahat ng bagay ay maaayos natin kung tayo na mismo ang sumusuong sa sitwasyon.

Bukod pa rito, tiwala ako sa aking kakayahan na mabibitbit ko ang aking disiplina sa sarili at maisasapraktika ko ang mga kaugalian sa mga kaganapang mahirap sa aking buhay.

Tiyak na marami ako matututunan sa aking ginagawang pagpapasya araw araw at makabubuti sa akin upang mas umunlad pa ako.