Ano ang natuklasan mo sa iyong mga sagot tungkol sa matiwasay na lipunan?

Katanungan Sagot

Katanungan

ano ang natuklasan mo sa iyong mga sagot tungkol sa matiwasay na lipunan?

Sagot verified answer sagot

Ano ang natuklasan mo sa iyong mga sagot tungkol sa matiwasay na lipunanNatuklasan ko sa aking mga sagot tungkol sa matiwasay na lipunan ang mga bagay na dapat taglayin ng isang lugar upang masabi na ito ay isang matiwasay na lipunan.

Una, kailangan ay may pagkakaisa ang bawat mamamayan. Hindi dapat sila pinagbubukod ng mga pansariling interes bagkus ay pinagbubuklod ng iisang layunin na lahat ay umunlad.

Kailangan din ay mayroong mapagkakatiwalaang mga pinuno at pamahalaan upang makamit ang lahat ng hangarin nang naaayon sa kanilang nais.

Ang matiwasay na lipunan din ay malayo sa anumang gulo at hindi pagkakaunawaan kung saan namamayani ang isang mapayapang kapaligiran na ligtas para sa lahat ng mamamayan.