Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili tungkol sa mataas na gamit ng isip at tunguhin ng kilos loob?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili tungkol sa mataas na gamit ng isip at tunguhin ng kilos loob? Maraming salamat po sa makakatulong sa akin.. 🙂

Sagot verified answer sagot

Ano ang natuklasan mo sa iyong sarili tungkol sa mataas na gamit ng isip at tunguhin ng kilos loobNatuklasan kong ang mataas na gamit ng isip at ang tunguhin ng kilos loob ay magkaugnay pala. Ayon sa aralin, ang isip ay may kapangyarihang maghusga, mangatwiran, magsuri, at mag-alala. Gayundin ang magbigay ng pag-aalala at makatuklas ng katotohanan.

At ang kilos-loob naman ay umaasa sa isip. Ang isip ang nagbibigay ng katuwiran bilang isang kakayahan nang maimpluwensiyahan ang kilos-loob.

Dahil sa kakayahan ng tao na kumuha at magtaya ng mga ebidensya, nagbibigyan ng isip ng kahulugan ang isang sitwasyon na isang magandang larawan ng tinatawag nating kilos-loob. Kaya naman ang mataas na gamit ng isip ay talaga namang magreresulta sa pagtungo sa kilos-loob.