Ano ang negatibong kilos ng iyong anak na inyong pinigilan?

Katanungan

ano ang negatibong kilos ng iyong anak na inyong pinigilan?

Sagot verified answer sagot

Sa pagpapalaki ng mga anak, dapat ay gabayan ng mga magulang na maging positibo at kabutihan lamang ang ipakita ng anak.

Ang mga negatibong kilos ay dapat pigilan at ituro sa kanila na mali ang mga ito. Una na sa negatibong kilos na dapat ay supilin ng magulang habang bata pa lamang ang anak ay ang pagtaas ng boses sa mas nakakatanda.

Dapat ay igalang sila. Ikalawa, ang hindi pamamahagi sa kapwa ay isang negatibong kilos rin. Turuan natin ang ating mga anak na maging mapagbigay, lalo na sa mga mas nangangailangan sa atin. Sa ganung paraan, lalaki silang mahusay sa pakikipagkapwa.