Katanungan
ano ang nilalaman ng isang memo o memorandum saan at kailan ito ginagamit?
Sagot
Nakasaad sa isang memo o memorandum ang kahit anumang bagay o impormasyong nakalap sa naganap na pagpupulong sa isang organisasyon, kumpanya, o iba pang pangkat o grupo ng mga tao.
Ibinibigay ito sa mga miyembro ng grupo upang ipaalam at ipabatid sa kanila ang mga naging kaganapan at magiging pagbabago sa kanilang organisasyon, kumpanya, o kahit ano pang pangkat.
Ito ay opisyal at tanging ang pinakamataas na posisyong namamahala ang maaaring magpalabas ng isang memorandum. Minsan ay makikita rin sa isang memo kung may nilabag na batas o alituntunin ang isang miyembro. O di kaya naman rin ay ipakalat ang layunin para sa linggong iyon.