Ano ang nilalaman ng Philippine Mining Act?

Katanungan Sagot

Katanungan

ano ang nilalaman ng philippine mining act?

Sagot verified answer sagot

Ano ang nilalaman ng Philippine Mining ActAng Philippine Mining Act of 1995 o Republic Act 7942 ay naglalaman ng pagkilala sa lahat ng yamang mineral na matatagpuan sa mga lupaing pampubliko at pampribado na nasa loob ng hangganan at tanging sonang ekonomiko ng Pilipinas bilang pag-aari ng Estado.

Layunin nitong makinabang ang buong bansa sa industriyang ito sa pamamagitan ng pagpapataw ng buwis at karampatang multa sa bawat pagkasirang matatamo ng kalikasan mula sa pagmimina.

Gayunman, ang pagkakapasa ng batas tungkol sa ligal na pagmimina ay nagkaroon ng komplikasyon sa mga teritoryong hawak ng mga pangkat etniko sa bansa na nagresulta naman ng kabi-kabilang pagsasampa ng kaso at paglaban sa kanilang karapatan.