Ano ang okir?

Katanungan Sagot

Katanungan

ano ang okir?

Sagot verified answer sagot

Ang okir ay isang artistikong sining ng mga Maranao.

Ito ay isang pamanang kultura sa mga Maranao ng kanilang mga kanunununuan na kung saan ang disenyo na maaaring nakaukit o kinorte sa kahoy, tanso, at pilak.

Ito rin ay maaaring nakapinta sa dingding na kung saan ang bawat disenyo nito ay nagpapakita o sumasalamin sa kanilang kultura at sikolohikal na pagkakakilanlan bilang mga Maranao.

Ang mga disenyong ito ay maituturing na orihinal at natatanging gawa ng mga Maranao. Ito ay kanilang ginagamitan ng limang magkakaibang disenyo, ito ay ang Matilak o pabilog, poyok o pausbong, pako o spiral, todi o dahon na may pa-spiral na disenyo sa gilid, dapal o dahon, at pako lungat o dahon ng pako na mayroong hiwa sa gilid.