Ano ang pagkakaiba ng kita, pagkonsumo, at pag-iimpok?

Katanungan

ano ang pagkakaiba ng kita, pagkonsumo, at pag-iimpok?

Sagot verified answer sagot

Ang pagkakaiba ng kita, pagkonsumo, at pag-iimpok ay ang mga sumusunod: ang kita ay tumutukoy sa kabuuang sahod o salaping natatanggap ng isang manggagawa kapalit ng ibinibigay na serbisyo o paggawa.

Ang pagkonsumo naman ay pumapatungkol sa paggamit o pagbili ng isang indibidwal sa mga serbisyo o produktong kinakailangan nito upang mabuhay sa araw-araw. Ang pagkonsumo ay isinasagawa alinsunod sa kapakinabangan ng tao.

Samantala, ang pag-iimpok naman ay tumutukoy sa kakayahan ng tao na ipagpaliban ang pagkonsumo o paggastos higit na lalo sa mga bagay na hindi kinakailangan.

Ang katuturan ng pag-iimpok ay kapaki-pakinabang sa paghahanda upang makapaglagak ng salapi sa negosyo.