Katanungan
ano ang pagkakaiba ng langgam gagamba at mga tao sa layunin?
Sagot
Ang langgam, gagamba, at tao ay nagkakaiba ng layunin sa kanilang pagtahak sa buhay subalit may kani-kanyang kahalagahan na ginagampanan ang bawat isa.
Ang mga langgam ay nabubuhay upang makapag-impok ng kanilang mga pagkain na magiging kapaki-pakinabang sa panahon na sila ay hindi maaaring makibaka sa labas.
Ang gagamba naman na isang araknid ay naghihintay lamang sa kanyang sapot o tahanan ng mga maliligaw na insektong pwedeng makain.
Sa kabilang banda, ang tao ay gumagawa o naghahanapbuhay upang makaipon ng pera na gagamitin na pantustos sa mga kailangan o pangangailangan sa araw-araw.
Gayunman, nagkakaiba man ang mga nasabing element subalit ang mabuhay at mapagtagumpayan ang buhay ang pagkakatulad ng mga ito.