Ano ang pagkakaiba ng pamayanan at lipunan?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang pagkakaiba ng pamayanan at lipunan? 😮

Sagot verified answer sagot

Ano ang pagkakaiba ng pamayanan at lipunanAng pamayanan at lipunan ay mga konseptong sosyolihikal na madalas na naipagpapalit ng gamit. Hindi batid ng marami na may pagkakaiba pa rin ang dalawa kahit sila ay magkaugnay na konseptong sosyolihikal.

Ang pamayanan ay community sa English na tumutukoy sa isang pangkat pang-sosyal na binubuo ng mga tao na mayroong katulad na katangian tulad ng kanilang relihiyon, kultura, tradisyon, pagpapahalaga, at iba pang salik.

Samantala, ang lipunan naman ay society sa English na tumutukoy naman sa isang pangkat ng mga mamamayan na magkakatulad ang kinasayanang sistema ng pamumuhay na mayroon ding magkatulad na katangian at ginagawa sa kanilang buhay.