Ano ang pagkakaiba ng pangangailangan sa luho?

Katanungan Sagot

5

Katanungan

ano ang pagkakaiba ng pangangailangan sa luho?

Sagot verified answer sagot

Ang pangangailangan at luho ay mga bagay na mayroon ang bawat indibidwal subalit ang dalawang aspetong ito ay mayroong malaking pagkakaiba.

Ang pangangailangan o sa ingles ay needs ay ang mga bagay na kailangan ng isang indibidwal upang mabuhay o mapagtagumpayan ang buhay.

Samantala, ang luho naman o wants sa ingles ay ang mga bagay na hindi kailangan ng isang tao sa pang-araw-araw na aspeto.

Ilan sa mga tiyak na halimbawa ng pangangailangan ng tao sa araw-araw ay tubig, pagkain, damit, at tirahan. Samantala, ang mga gamit na mamahalin, iba’t ibang klase ng gadgets, at inuming matatamis ay kabilang sa mga luho ng tao.