Katanungan
ano ang pagkakaiba ng pantay at patas?
Sagot 
Bagaman madalas na napagbabaligtad ang dalawang salitang ito, ang pantay at patas ay mayroong pagkakaiba. Ang salitang pantay ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino ay tumutukoy sa isang bagay na magkatulad ang kantidad, taas, dami, at iba pang katangian.
Sa paggamit ng salitang pantay ay hindi isinasaalang-alang ang mga pangangailangan o pagkakaiba. Sa kabilang banda naman, ang salitang patas ayon pa rin sa UP Diksiyonaryong Filipino, ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na nasa isang paligsahan o isang sitwasyon na hindi matukoy kung sino ang mas nakalalamang sa galing. Mas nangangahulugan ang salitang patas na walang nanalo sa pagitan ng dalawa o higit pang indibidwal.