Ano ang pagkakaiba ng parabula sa ibang akda?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang pagkakaiba ng parabula sa ibang akda? Salamat sa makakatulong sakin! ^_^

Sagot verified answer sagot

Ano ang pagkakaiba ng parabula sa ibang akda?Ang parabula ay isang uri ng akda na hindi lamang kinabibiliban dahil sa magandang pagkakasalaysay ng kuwento kung hindi dahil sa magandang mensahe at aral na bigay nito.

Kakaiba rin ito dahil ang parabula ay nakalagay din sa Bibliya at sinasabing ito ay salita ng Diyos. Ang mga aral at mensaheng dala ng isang parabula ay ayon sa kabutihang nais ng Diyos na taglayin natin.

Sa madaling sabi, ito ay tunay na biyaya ng Diyos sa atin upang maging gabay sa buhay. Maliban sa pagiging kuwento na maaaring pag-aralan at alamin at paglibangan, ang parabula ay isa ring kuwento na humuhubog sa pagkatao ng mga bumabasa.