Ano ang pagkakakilanlan ng bansang South Korea?

Katanungan Sagot

1

Katanungan

ano ang pagkakakilanlan ng bansang south korea?

Sagot verified answer sagot

Ang South Korea ay kinikilala bilang Lupain ng umagang banayad. Ang south Korea ay bahagi ng Silangang bahagi ng Asya na kung saan nagtataglay ito ng mga matatabang lupain na higit na kapaki-pakinabang sa usaping agrikultura partikular na ang pagtatanim.

Ang Klima nito ay tinatawag na humid-subtropical. Kilala rin ang mga bansa sa Silangang Asya sa mga makabagong imbensyon ng mga ito sa larangan ng teknolohiya.

Isa sa mga bansang kasapi nito ay ang South Korea na tinatawag ding lupain ng umagang banayad o ang Choson. Ang mga kilalang produkto ng bansang ito ang mga electronics at makinarya. Ang kabisera nito ay Seoul.