Ano ang pagkakamaling ginawa ni Psyche na nagdulot ng mabigat na suliranin sa kaniyang buhay?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang pagkakamaling ginawa ni Psyche na nagdulot ng mabigat na suliranin sa kaniyang buhay? Hindi ko makita doon sa binasa ko. Pahelp please.

Sagot verified answer sagot

Ano ang pagkakamaling ginawa ni Psyche na nagdulot ng mabigat na suliranin sa kaniyang buhayMay ilang pagkakamali si Psyche na sinasabing sumira sa kaniyang buhay dahil nagbunga ito ng mga suliranin.

Una na rito ang pagiging mapaniwalain ni Psyche sa mga paninirang ibinibigay ng kaniyang kapatid tungkol sa kaniyang asawa. Naniwala siyang isa raw itong halimaw na kailangang kitilin na isinagawa ni Psyche dahil na rin sa kalituhan ng isip.

Isa pa, sinasabing isa sa mga suliranin ni Psyche ay ang pagkakaroon ng mas malaking tiwala sa iba kaysa sa sariling kabiyak. Mas nakikinig siya sa iba na nagdudulot sa kaniya ng kalituhan at nagbubunga naman ng mga gawaing masama katulad ng pagpatay sa kaniyang sariling asawa.