Katanungan
ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng tao at hayop?
Sagot
Tayong lahat sa mundong ibabaw na ito ay gawa ng Diyos. Kaya naman hindi na dapat sorpresa sa atin na may pagkakahalintulad tayong mga tao sa mga hayop.
Una sa lahat, ang mga tao at hayop ay parehong binubuo ng iba’t-ibang bahagi ng mga katawan. Lahat ay nakakakita dahil sa mata, nakakaamoy dahil sa ilong, at nakakakain dahil sa bibig.
Mayroon ring pag-iisip, lalo na tayong mga Tao, na tumutulong sa ating pamumuhay at paggawa ng mga desisyon.
Ang kaibahan lang ay ang pag-iisip ng mga hayop ay limitado lamang. Sa pagkilos rin at silbi sa lipunan ay tiyak naman na may pagkakaiba ang tao at hayop.