Katanungan
ano ang pagkakatulad ng kwentong bayan na naging sultan si pilandok at nakalbo ang datu?
Sagot
Ang dalawang maikling kwentong bayan na ating natalakay: “Naging Sultan si Pilandok” at “Nakalbo ang Datu” ay parehong nagpapakita ng mga tradisyon at kaugalian mula sa Mindanao, kung saan ang karamihan ng mganakatira ay mga Muslim.
May kinapupulutang aral rin ang mga ito. Sa Naging Sultan si Pilandok, sinasabing huwag tayong maging gahaman sa kayamanan at huwag nating lokohin ang kapwa natin dahil babalik at babalik sa atin aang kung anumang ginawa natin sa kanila.
Sa kabilang banda, sa Nakalbo Ang Datu ay sinasabing hindi dapat natin minamadali ang pag-ibig dahil kusang darating at makikilala natin ang taong para sa atin.