Katanungan
ano ang paksa?
Sagot
Ang paksa ay ang pinag uusapan sa isang pangungusap o akda. Ito ang nagiging pangunahing simuno at iyon ang tinutukoy sa komposisyon.
Halimbawa na lamang nitong pangungusap: si Wacky ay magaling gumuhit at isa siyang artista. Tinutukoy ng pangungusap kung sino ang magaling gumuhit at isang artista, ito ang paksa na si Wacky.
Kumbaga ang paksa ang inilalarawan sa isang pangungusap at siya ang sentrong tema nito. Ang pagtukoy sa paksa ay madali lamang kung maayos ang pagkakabuo ng pangungusap, ngunit minsan ay mahirap tukuyin dahil naipagpapalit ang mga parte ng pangungusap. Mahalagang matukoy ang paksa upang malaman kung naaayon ba ang estraktura ng isang pangungusap.