Ano ang paksang diwa ng balagtasan?

Katanungan Sagot

7

Katanungan

ano ang paksang diwa ng balagtasan?

Sagot verified answer sagot

Ang isang balagtasan ay maraming maging puwedeng paksang diwa. Ito ay maaaring tungkol sa pamilya, pag-ibig, lipunan, politiks, ekonomiya, at iba pa.

Balagtasan ang tawag sa uri ng matalinong pagtatalo sa wikang Filipino. Ang pagtatalo ay dapat naglalaman ng mga impormasyon at mga aral.

Nagmula ang ngalan nito sa isang kilalang makata na si Francisco Balagtas. Layunin ng isang balagtasan na hikayatin ang diwa ng isang tao ukol sa isang isyu o paksa.

Sa isang balagtasan ay may dalawang panig na may magkasalungat na pananaw tungkol sa isang paksa. Sa paraang ito ay layunin na mapaisip ang mga manunuod kung alin ang tama o ang may mas mahalagang pananaw.