Katanungan
Kamusta tayo mga tropa? Penge naman ako ng tips dito sa “Ano ang palakumpasan ng awit?” lamats! hehe
Sagot 
Ang palakumpasan ng awit ay sinasabing isang mahalagang bahagi ng lahat ng komposisyong musikal. Ito ang nagtatakda ng bilang ng pulso sa bawat sukat at kung anong uri at gaano karaming nota at pahinga (notes or rest) ang dapat ilagay sa isang sukat.
Binubuo ang palakumpasan ng dalawang bilang. Ito ay ang isa sa taas at isa sa ibaba. Ang bilang ng kumpas sa itaas ay ang nagtatakada kung ilang pulso o kumpas ang mayroon sa isang sukat.
Ang bilang naman sa ibaba ay ang nagsasaad kung anong uri ng nota at pahinga ang tatanggap ng ginagawang kumpas ng awitin.